Tuesday, May 28, 2013

On Vice Ganda.

Hindi lang naman si Jessica Soho ang issue dito. Ang issue dito ay yung mga nabibiktima ng rape at sexual harassment.

Kung isang malaking katatawanan para sa'yo ang rape, malamang isa ka sa mga taong walang matinong sense of humor. Rape, gagawin mong joke? Anong klaseng tao gagawa nun? Siguro nga komedyante si Vice Ganda kaya nagawa niyang magpatawa ng ganun, at sa dami ng nanonood ng concert nya, tumawa silang lahat. Pero kung ganung klase ng pagpapatawa ang gagawin mo, Vice, wala kang karapatan para tawagin ang sarili mong komedyante.

Kung tutuusin, hindi lang naman si Jessica Soho ang binaboy mo, e. 'Yung mga contestants nyo sa show nyo at yung mga guests mo kung laitin mo, walang pakundangan. Bakit? Kagandahan ka ba para magsalita ng ganun? Hindi ito isang comedy bar, Vice. Hindi ito isang comedy bar na iilang tao ang nanonood sa'yo. Halos buong mundo nakikita kung gaano mo lait-laitin ang mga tao sa paligid mo...

Idol kita, Vice. Lahat na ata ng pelikulang pinagbidahan mo, pinanood ko kasi iba ka magbitaw ng punch line. Sige, sabihin nga nating nakakatawa nga naman na tinawag mong lechon ang isang batikang news anchor sa Pilipinas, pero yung rape? Vice, rape yun e. Rape! Try mo kayang ma-rape, tignan natin kung makapagjoke ka pa ng ganyan.

Hindi porket nagpapatawa ka, wala ka ng respeto, wala ka ng courtesy. Unang-una, nakikita ka ng tao, napapanood ka, yung iba pa nga halos mamatay makita ka lang, ginagaya ka ng kabataan, ilang mga jokes mo na nga ba ang sumikat? Marami na rin, hindi ba? Kaya sana iningatan mo ang pagbibitaw mo ng salita. Kung si Ai-ai nga iniwan si Jed Salang dahil ayaw niyang makita siya sa casino, ikaw pa? Ikaw pa na nagsisimula pa lang sa industriya? Ikaw pa na Vice Ganda pa lang, nagjoke tungkol sa rape na parang hindi ito serious issue sa Pilipinas.

Matalino ka sana, Vice. Pero nung concert mo, hindi ko malaman kung nasaan ang talinong 'yun.